nauunawaan mo ba ang Tagalog?

630: gising na ako

700: gumagayak na paalis

745: nagalalakad na kami (ni kim)

800: misa

904:terminal ng bus (bibili ng ticket)

At ano ang naging problema ko? Ang sulating ito ay tungkol sa aking katangahan, kawalan ng pera, at ang naging solusyon para makauwi muli ng bahay. Ito ay (hangga’t sa maari) purong Tagalog upang hindi ako mahirapan maglahad ng aking saloobin. Ang hirap kaya mag-INGLES!!!

Ikalawa ng Disyembre, may niyebe na, malamig at alam kong palapit na ang Pasko kaya naman ako ay nakasuot ng ubod ng kapal na damit. Mayroon pang balabal ang aking leeg. Huwebes ngayon dito sa Canada at ako ay may pasok sa skwela. Upang makarating sa aking skwelahan kinakailangan kong sumakay ng dalawang bus mula sa aming bahay.

Meron akong kung tawagin ay “pass” upang hindi na ako paulit ulit bumibili ng “ticket” para makasakay sa bus. Para sa unang bus, may ticket pa ako na pwede kong gamitin hanggang sa katapusan ng linggo. Ngunit ang isang “pass” ay hindi na maaring gamitin sapagkat ito ay inbalido na at dapat ng itapon. Buwanan kasi ang bayad sa “pass” na ito. At dahil nga Disyembre na dapat ng bumili ng bago. Kaso nalimutan ko nung Martes.

Ika- 9 ng umaga at ako ay handa ng bumili ng sinasabing “pass” na ito. Ako ay matahimik na nakapila at nagaabang kay ate na nagtitinda nito. Ngunit bigla kong nakita ang babala sa may salamin “HINDI TUMATANGGAP NG KAHIT ANONG KLASE NG CREDIT CARD”

Hindi ko na malaman ang gagawin ko. Grabe. Ang meron lamang ako ay credit card at 5.70 dolyar. Ang “pass” ay  nagkakahalaga ng 48.50 dolyar. Ang isang sakay sa bus ay inakala kong 5.10 dolyar. Sinabi ko sa sarili ko na bahala na si Batman. Sasakay na ko ng bus dahil mahuhuli na ko sa pagtatagpo namin ng aking propesor. 10 kami magkikita at 915 na sa orasan. Wala na akong oras umuwi, umiyak at magisip. Kaya naman ako ay humayo na.

Pagbayad ko sa bus nakita ko si manong drayber, Pinoy siya, gusto ko sanang itanong kung pwedeng libre na lang pero naisip ko hindi ito Pinas. Nagbayad ako at tinanong ko siya gamit ang peke kong tono ng Ingles na ginagawa ko tuwing gusto kong magtunog sosyal (WAHAHAHAAHHA). Tinanong ko kung magkano at ang inakala kong 5.10 dolyar ay mali pala dahil ang pamasahe ay 5.70 dolyar. Salamat sa Diyos at saktong 5.70 ang pera ko. Kinabahan ako na mapahiya at mapauwi ng bahay.

Pagdating ko ng skwela naligaw ako. Hindi ko mahanap ang tagpuang lugar naming ng aking mabuting propesor. Ang swerte ko nga naman. Nagpaikot ikot ako hanggang nakita ko ang magkasintahang Indiano na aking pinagtanungan. HINDI PALA NILA ALAM NAGMAGALING PA SILA!!! CHEE!!!

Mabuti na lamang at narating ko ang tamang mapagtatanungan at sa oras na 9:54 nakarating ako sa kwarto kung san ako kakausapin ng propesor.

Nag intay pa ako ng bahagya at nagdesisyong manood ng bagong karugtong ng palabas na Gossip Girl. Pero dumating na ang propesor kaya naman ako ay pumasok na. Pinagdedebatehan ng utak ko kung pano ako makakauwi. Ayoko naman matulog sa bahay aklatan at paano naman kinabukasan kung andito pa din ako? Problema pa din ang paguwi. Madami akong solusyong naisip. Una, mangungutang ako sa kaibigan kong Ukranian ng 5.70 para pansakay sa bus pauwi (grabe ang purita). Pangalawa, tawagan ang tatay ko para bigay ang numero ng kanyang card upang makapagsalin ako ng kahit kaunting pera sa aking card. At pangatlo, wala. Wala na kasi ako maisip talaga.

Hanggang makita ko ang isang makina na may nakasulat na “VISA”. Ito ang pangalan ng aking card. Hindi ko pa nagawang kumuha ng pera gamit ang “credit card” ngunit naisip ko baka ito na ang sagot sa aking problema. Gumana ang pangatlo kong plano. Ang walang gawin at wag magisip. Pinasok ko ang card hiningin nito ang aking “pin” at BOOOOOOMMM!!!! May perrrraaaa!!!!! YYYAAAAHHHHAAAYYYY!!! Nakita ko ang 60 dolyares na lumabas sa makina at montik na akong mautot sa saya. SALAMAT SA DIYOS AT MAKAKAUWI AKO.

Katapusan:

Bumili ako ng ticket na may sampung libreng sakay ng bus. 48.50 dolyar ito, may sukli pa ako. Buti na lang at gumana ang “VISA” simula ngayon bespren ko na siya! Ngunit habang binabasa niyo ito, ako ay baon pa din sa utang sa tatay ko at kay “VISA” pero mahal ko silang dalawa.

BIGYAN NIYO NAMAN AKO NG PERA!!!

Hahahaahaha.

 

Advertisements

One thought on “nauunawaan mo ba ang Tagalog?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s