pumayat ka man, mataba pa din

“Pumayat ka man, mataba pa din”

Nung una ko tong mabasa as a joke, di ko agad naintindihan. Sa totoo lang madalas akong slow. After 2 minutes and 10 seconds, BAM, ayun, nagets ko din siya. Sabay natawa ako ng bongga. HAY JUSKO ERICKA, bakit ka ba ganyan? Matalino ka naman dati ah. Pero in fair, jinoke ko pa to sa nanay ko at sinabi ko pang bagay ito sa kanya.

Anyway, alam ko naman sa lahat ng makakabasa nito ay nasabihan na AT LEAST once in their lives ng “uy tumataba ka ah”taba mo ngayon” “taba mo na!” at ang pinakamasakit sa lahat yung tipong tatanungin ka pa,

“bakit ang taba mo ngayon?”

E PAKI MO BA. Doctor ba kita or dietician at kailangan ko magexplain sayo???

Itong mga kataga na atang ito ang marahil pinakamasakit na salitang narinig ko sa aking existence. Lalo na nung ako ay nangibang bansa, namuhay kasama ang aking mga magulang na walang tigil kung bumili ng lahat ng klase ng tsokolate, chichirya at kung ano ano pang alam nilang pampataba at mala-langis na pwede naming laklakin at lamunin ng aking kapatid. Bata pa lang ay sugapa na ako sa paglamon, pero siyempre non di naman ako tumataba kahit anong gawin ko. DATI YUN. Lumalaki pa ako non, sa LENGTH ngayon sa WIDTH na ang usapan. Ang pinakaunang tumataba sakin ay ang mukha. Sabay yun din ang pinakamatagal pumayat. BADTRIP KA MUKA KA, ANG LAKI MO. Sa katabaan ng nanay ko, di ko magets kung bakit magkasinlaki kami ng muka e ang laki naman ng weight gap namin. Hindi ko rin alam sa muka ko kung bakit ang healthy healthy niya. Baka kasi squared face ako. OO, yun ang pampalubag loob ko, pangahan kasi ako kaya natural lang na malaki ang rehistro ng mukha ko sa mga pictures.

Isa ko pang issue, bakit ba kasi bili ng bili ang nanay at tatay ko ng pagkain?

NANADYA BA SILA?  ANO BA GUSTO NILA? MAGING OBESE KAMI NG KAPATID KO?

Tapos sasabihan ka pa na “edi pigilan mo, wag mo kainin” pano mo namang pipigilan un kung nakasamborga sa face mo yung pagkain diba? diba? diba? Sa totoo lang kahit sa itsura kong to:

at nasasabihan ako, na sexy ako, madami na akong mga pantalon na di na magkasya nung panahong asa kolehiyo pa ako. Wish ko lang naman magkasya na uli sila ng sumaya na ako sa buhay ko at masuot ko na uli sila. Kaya lang naman ako hindi bumibili ng madaming pants na bago kasi umaasa pa akong papayat ako at magkakasya uli sakin ang size zero ko na pants. Di ko na sasabihan pa kung ano ung size ko ngayon. NEKNEK NIYO. DI AKO PAPAUTO. PADLOCK SUSI TAGO SA PWET.

Marahil ito na ang wake up call ni Lord sakin, na di na ako bata, na dapat na akong maging conscious sa mga paglamon lamon ko tuwing stressed, gabi na at pagod ako. Siguro gusto lang niyang sabihin sakin na mag ayos ayos na ako sa aking life at huwag pagkain ang pagbuntungan ng galit at energy. Well, Lord, message received. Pero sana 10 lbs lighter pa, para kumasya na uli ung size zero. PLEEEEEEASE :>> LOVE YOUUU!

Ang pagpost ng picture sa itaas ay nagsisilbing reinforcement na, I STILL GOT IT! YEAHMAN! BWAHAHAAHAHAHAHA pero parang mas bagay sakin ung tumaba ka man, payat pa din. OO, yun iisipin ko kasi nga THINK POSITIVE E. WALANG AAYAW.

Advertisements

5 thoughts on “pumayat ka man, mataba pa din

  1. Tawang-tawa ako Bebe! Lalo na yung sa padlock part–something only you and Arvin can say without hesitating!! Hahahaha Anyway, stress from UP >>>> stress from whatever we’re doing now! I seem to gain 5lbs every year! Crazyyyyyy!

    • ATE NOEMI KAMI NA TALAGA NI ARVIN ANG SKWATERRRR hihihih. Di bale pag uwi ko let’s exercise together forever. Let’s be exercise buddies and run around the oval. Excited na ako tuloy! I miss you 🙂

  2. helloooo nassshiiiie!!! alam mo yan! ang sarap kasi kumain este ngumuya. minsan alam mo sa isip mong di ka naman talaga gutom sabay pagkita mo sa plato mo ubos na ung pagkain. kunwari pang dahan dahan kakain, sophisticated kuno biglang “asan na ung sangdamakmak na rice ko? ubos naaaa????” WAHAAHAHAHAHAH!!!

    di ko din alam kung pano pumayat agad pero gumagana naman talaga ang exercise kaso nakakatamad lalo na pag madaming pag iisip na ginagawa para sa work at school. HUHUHUHU.

    pero kaya natin to. WALANG AAYAW hohohoho.

  3. I do not know if you will even recognize this comment, but just the same, I enjoyed reading your blogs, they speak well of profoundness and eloquence. Honestly, I feel you are the daughter I do not have……. honestly again, I miss you and Kim and Ate Doda if I have been disowned a long time ago. Take care!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s