I can’t move on

Why I dont like Canada very much:

(this is not an anti Canada post)

I believe in the song Price Tag

Di nila gets ung kantang Price Tag. Ika nga its not about the money money money. Though love wont get you all the things you wanted in life, love will make it seem like you have. E magulo ba? Papaka profound ako. Just nod your head. Gets mo yan. Pag taga Pinas ka magaagree ka din strongly sa kantang Price Tag ni Jessie J na yan. hihi. Nawawala sense niyan pag asa Canada ka na.

Closing time

Where on Earth do malls close at 6 during weekends? Only in Canada and maybe Aussie. E pare foul yan. Dun pa lang kami magdedate ni Edward non habang susunduin niya ako sa dorm. Trapik pa sa Quiapo kaya 7 na talaga makakapagmeet niyan kasi late siya. Sabay lalast full show pa kami ng 10. O diba night life kung night life.

Don’t English me

San ka ba naman nakakita na bibili ka na lang nga ng kape eenglishin ka pa. Ano kayo sosyal. Gusto ko ng UNLIMITED TAGALOG para sa aking peace of mind. Ayoko ng umaga pa lang nanosebleed na ako. Kaya ako pumutla e naubos dugo ko sa kaka ingles first thing in the morning (oha!)

Sexy ka man, mataba pa din

NUKNUKAN sa dami ang suot pag winter. Ah akala niyo maganda no. Di purkit maganda sa pictures ang mga palawit na yan at mga balabal sa leeg e komportable yan isuot. ang bigat bigat kaya at ang kati kati habang may uncontrollable uhog ka that keeps on drooping and dropping all the way. ANO KALA MO MASAYA WINTER KASI MAY SNOW?? gusto mo niyan? gusto mo niyan? Sa dami ng suot mo kahit payat ka dahil sa kapal ng jacket mo kasing taba mo pa din ang isang obese na oso.

Maganda ka man, maanghit pa din

San ka ba naman nakakita ng pagkaganda gandang dalaga at pakapoging binata na amoy bayabas. minsan tinatanong ko din sa sarili ko, ano ba, wala ba silang tubig sa bahay? mura naman dito sa Canada ah. diba first world country tayo? e bat parang amoy imburnal kayo? sabi nila sa kinakain daw nila un. hanap na kayo ng bago pagkain, libre ko kayo.

Small talks

Everywhere you go people expect you to say hi and ask the question dundundundun.. “how are you?” nako, give me a break sa 2 years stay ko dito sa Canada walang patid ko na atang natanong yan how are you na yan. Ask it kahit you dont mean it. minsan gusto ko na lang sabihin, Wala ka naman talaga care kung maka how are you ka diyan te ah. CLOSE TAYO? CLOSE TAYO??? sige nga kelan birthday ko? How are you mo ko uli pag alam mo na.

Over sensitivity

kailangan lahat isaalang alang mo ang feelings. iba iba kasi tao dito sa Canada. may puti, may itim, may brown, may yellow (yes asian represent). hindi ka pwedeng magbanggit ng makakaoffend sa relihiyon nila, sa kinakain nila, sa practices nila at sa lahat lahat ng tungkol sa kanila.

Holiday ba kamo? Meron ba?

anong birthday? anong pasko? anong new year? walang holiday, holiday dito sa Canada. typical to:

“asan ka nung birthday mo?” “ayun nagwork.”

“san ka sa pasko?” “sa work! double pay e!”

AHAHAHAHAHA MUKANG PERA!!! holiday pang tamad daw un sabi nila. Motto ng first world country: rest is for the weak.

kaya the best talaga sa Pilipinas, mapa pasko man o everyday chill. WALA AKONG PAKIELAM SA MGA HATER na magsasabi sakin na mas mainam dito sa Canada, edi kayo pumunta dito basta ako pang Pinas ako ❤

and with that I shall leave you with this super Pinoy video:

 ONLY IN DA PHILIPPINES 🙂

lalo na si Xian Lim sa vid na yan hihi
Advertisements

2 thoughts on “I can’t move on

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s