Di ako hopeless romantic. Di din ako bitter (parang lang).

Okay, siguro nagka-phase ako na naniwala din ako sa romance-romance na yan. Pero, NO, isa lang yang malaking ilusyon na pinapalabas sa TV para  lokohin ang mga manonood. Isang lang itong stratehiya ng mga advertisers para mag appeal sa mga ‘love fanatics’ at kumita sila ng limpak limpak na mga salapi. Tapos ano ending? Feeling mo naman magkaka happy ending ka tulad ng mga karakter sa TV? Isang malaking NO. Sorry to say.

Sa lahat ng mga kinasal, ilan na ang naghiwalay? Sa lahat ng kakilala mong magsyota na nagpromise ng “baby, you’re my everything and I will love you forever”, ilan lang ang nagtagal hanggang ngayon? Tantanan mo ako sa mga excuses na “it’s not the right time e” o kaya naman e “bawal kasi sabi nila mommy” o kaya ung infamous na “we fell out of love”. Isa lang ang katotohanan diyan, wala naman kasing everlasting love talaga except ung kay God. O sige given yung matanda na kayo tapos kayo pa din, e pano kung namatay ung isa? Ode di na forever, asan everlasting don? Sige banatan mo ko nung “e yung sa The Notebook?” Tingin mo makatotohanan yun? Yung sabay namatay? Yung mga sulatin ni Nicholas Sparks kathang isip lang yun (pero shempre kahit ako kinikilig at nagwish na sana maging ganun din love story ko). Kaso walang ganun sa real life. Tayo author ng love story natin pero shempre i-wiwill muna yun ni God.

Huwag mong isipin na bitter ako or kung ano man (pero maybe). Ang love masarap yan na feeling pero di naman yun nakukuha lang sa opposite sex na kilig na kilig ka pag nakikita mo, na tipong kahit yellow ung ngipin niya feeling mo pang CLOSE UP smile pa din siya at kahit na ang laki ng tiyan niya feeling mo siya pa din ang hottest person on the face of the Earth. Ang love pwedeng galing sa nanay, sa tatay, sa aso mong si Bantay o sa pusa mong si Kitty. Di din ibig sabihin na pag nabigo ka na sa isa e bitter ka na forever (medyo makakamove-on ka din naman). Konting time lang, sabi nga nila, give yourself time. Pero wag ka kasing magexpect nung parang One More Chance o kaya ung Won’t Last a Day Without You. Sino ka si John Lloyd at Bea? Feeling mo ikaw si Sarah at partner mo si Gerald? (Pero shempre winish ko na partner ko din sana si Gerald, my love).

Kanya kanya tayo ng love story. Lahat may umpisa, lahat din may ending. Kaya pag may syota na yung cras mo, wag ka magalala. Maghihiwalay din yun. May pag asa ka pa, boy! Hahahahaha! Habang may buhay, may chance! At kung High School ka pa lang, please tigil tigilan ang paglalandi, madami ka pang kakaining bigas. Wag mong problemahin kung kelan ka magkakasyota. Problemahin mo ung algebraic expressions na kailangan mo i-solve at reading reports na bukas na ang deadline! Meron ka nga din palang experiment na gagawin sa Chemistry subject mo.

Basta ang point, wag kang magpaka-hopeless romantic dahil di sine ang buhay mo, totoong buhay ito, girl! GO FIGHT WIN!

Advertisements

One thought on “Di ako hopeless romantic. Di din ako bitter (parang lang).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s