wala daw ganyan sa states

TABO at BALDE

Bilang asa first world country na kami (ayun e) shower ang means ng paliligo (pag kasi sa Pinas pang mga sossy yun madami pambayad sa water bill). Isang dahilan kaya siguro shower sa first world countries ay para di masyadong malamigan. Para mabilis ang ligo, maginaw kasi e. Pero di ko maiwasan ang pagkamiss sa tabo at balde sa Pinas. Dahil na din sa pagtitipid ng scarce na malinis na tubig kailangan may pang salo sa tubig galing sa gripo. At shempre dapat may pang salok. At diyan na papasok ang tabo. Ang tabo ay di lang sa paliligo napapakinabangan kundi pati na rin sa palikuran. At ang tabo, dagdag yan sa ligo experience. Feeling ko pag may tabo, may additional linis factor na yun. Ang tabo ay iba iba ng sizes at dito sa Canada nung di pa nabibili ng tatay ko yung ORANGE namin na transparent na tabo, kung ano ano ang nagamit naming pangsalok ng tubig para sa palikuran experience. I don’t want to share anymore kasi baka naman ma-visualize niyo pa at itakwil ako bilang friend. Basta isipin niyo na lang yung mga pwede para kunwari may mystery pa din kaming pamilya Mercado. Lesson ng tabo: “mas fulfilling ma-accomplish ang any activity (paliligo) pag todo-effort (ang pagsalok gamit ang tabo) pwera na lang kung wisik-wisik” (OOOOPTH).

I told you! We have an Orange Tabo (taken with instagram)

BENTILADOR

Kanina pagkagaling ko sa police station para sa clearance, aba, may nakita ako, pamilyar! Kala ko di gumagamit ng ganun ung mga foren-jer e. Pero andon ang isang puting standing elektrik pan! In tagalog tagalog, ISANG PUTING NAKATAYONG BENTILADOR! Napawafaz ako at napa-giggle inside, kukuhanan ko sana ng litrato kaso bawal daw ang use ng phone e. Mahirap na baka makasuhan pa ako kesa makuha ung clearance. May iba ibang klase at kulay ang bentilador. May standfan (tulad ng nakita ko sa nasabing sangay ng kapulisan), may deskfan at ceiling fan. I bet pag mayaman ang tawag lang nila diyan ay “FAN” kasi pag mas mayaman pinapaiksi mga terms e para tunog sossy (eg undies= underwear, pants = pantalon). Anyway nung asa dorm pa ako sa Manila sa may CWL, pula ang bentilador ko at isa itong deskfan. Nilalagay ko pa ito sa ibabaw ng isang monoblock chair para maabot ng hangin ang pes ko. Miss ko na ang pula kong bentilador, ito ang pinakamalakas magbigay ng hangin. Hinihiram pa nga ito ng mga roomies ko para lang magpahangin. Ito din ang personal blower ng hair ko dahil sa lakas ng hangin niya. I MISS YOU, REDDIE!

Promac 'windy' deskfan -- Reddie's sister

SAMPAYAN NG BRA’T PANTY BRIP ATBP

At dahil wala namang masyadong maaraw days sa Canada wag ka na umasa na may sampayan sila. And thats so old school por dem. Everything is instant here you know. So ang uso ay dryer kahit nakakashrink ng mga damit (OWS SHRINK BA O TUMATABA KA LANG) at minsan nakakadamage ng ‘materials’ ng damit. Bigyan mo ng maximum na two hours ang isang week worth ng labada at boom tiklop tiklop ka lang wala ng plantsa and you’re ready to go. Pero sa Pinas, isang buong araw ang kailangan, lalo na sa probinsya. Pag di pinainitan ang labada, mag aamoy kulob daw. At dahil mataas singil sa kuryente, kesa dryer we rely on the natural kind of pagpapatuyo at yun ay ang sun. At ano ang downside nito? Ilang beses na ito sakin nangyari na pinabantayan sakin ang mga sinampay at biglang ayun, naulan. So takbo ako at ni-knock out ang screened kitchen door para masagip ang mga naglalakihang coverbeds at mga bulto bultong bra’t panty na nakasabit sa octopus hanger. May mga times na nabigo ako pero di ako naggive up, pinilit kong isalba sila lahat tuwing may ulan. Ang painful part lang pag joke pala ung ulan tas aaraw uli, kailangan mo tuloy ilabas at magsampay namang muli. Pero it teaches you to “weather the storm”. As in dapat alam mo kung ulan ba talaga o may nadaan lang na matabang clouds.

TRICYCLE AT JEEP

Ito ang aking mode of transportation hanggang makaalis ako ng Pinas. Wala akong kotse at di ko naman pwedeng i-bus hanggang Taft. Ang bus hanggang 5th avenue lang  tas Jeep o LRT. Bilang nagtitipid magjijeep ako non. Kailangan lang listo ka pag sakay mo, well, kahit san naman basta asa Pinas ka. HARHAR. Tapos pauwi ko ng Bulacan at pagstop ng bus sa may palengke, no choice ako. Maswerte na pag may nagiintay sayo at sinundo ka pala ng tatay mo pero karaniwan, combo ng jeep+tricyle or kung may extrang pera, special tricycle mula palengke hanggang bukid or pag sinuswerte ka at natyempuhan mo ang kasing rare ng meteor shower na diretsong jeep pabukid, yun na! sakay na and cease the moving jeep. Isang jeep yun  from palengke to your customize stop (just say “para po” “sa tabi lang kuya” or pag bingi si manong “kuya kuya lampas na, baba na ako”) OO NA AKO NA PROBINSYANA. Huy pero ang perks ng tricycle, ang sarap ng hangin lalo na pag sa special, wala ka kasing katabi bukod sa bag mo ng maduduming damit. pero yun lang langhap mo din ang polusyon ng tricycle sa harap mo. but it is part of the journey. it makes the commute sweeter (ano daw). pag sa jeep naman feeling mo sulit na sulit binayad mo un nga lang kapit amoy yung anghit ng katabi mo. badtrip lang din don ung pag aabot ng bayad. pero ang masaya dun pag biglang preno ung drayber at prepared ka, deads ka sa kaka-giggle inside dahil sa itsura ng ibang pasahero na hindi nakahawak at unprepared hihihihi. Isa itong life skill na di maeexperience ng mga first world people. Aba mas ma-appreciate mo ang destination pag pinaghirapan mo ang journey.

At masarap magcommute pag kasama mo ang peyborit people mo in the world (as seen below) :

2nd year for OrCom 140: Me, T- Bell &Arvin

So ayun na-share ko lang at nasayang na ang ilang minuto ng araw mo! BWAHAHAHAHAHAHA!! And you can never get that time back. XOXO

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s